My
time machine
chrissaanne
In the past…
He was just a kid,
And we used to play a lot
Thumb wrestling,
SOS
And paper airplanes
In the present…
He is now a man who needs his woman
He loves her
He treasures her
And he treats her like a queen
Too bad it is not me anymore
But I could no longer ask for more.
It is now her turn
So I ask her this:
Please… just please don’t hurt him
Like what I did
In the future…
I will still be here
Watching after him
So forgive me, lady
For I am still waiting
He was once mine
Now yours
But who knows?
Maybe in the end it will be…
Death
Wish
chrissaanne
Need me now
Use me later
Break me after
Just don’t leave me…
Ripstick
chrissaanne
Ang hirap mo talagang sakyan,
subukan mang balansehin
itong sitwasyon natin!
Heto’t sa’yo ay nahulog pa rin!
Kahit na ako’y nasasaktan,
Hindi ka pa rin tatantanan…
Salvation
chrissaanne
Tic toc…
Oh, the cycle of
my time machine stopped…
I was freed from the past,
My future that was unlocked
has nothing but dust…
I turned back, met his gaze,
That’s when I realized
He’s now a complete stranger…
Yeah, I give him my yesterday
So I can continue today…
I pick up my pen
And look at the paper…
This is my life now.
Replica
She’s so cute,
talks too soft
her cold eyes
with a shy smile
So I dressed like her,
And act the way she does;
But them she gave me a sad look,
A face she never showed me before…
I wanna ask her why,
But I don’t know how…
Have I done something wrong?
Did I disappoint her?
But I am just a little sister
Hoping to be like her
Bano sa Entablado
Ni: c.annepalma
Sa isang madilim na silid… naroon s’ya.
Tanging ang nguso
lamang ng sigarilyong naka-ipit sa pagitan ng kanyang mga labi ang nakikita ko.
Sa isang madilim na silid… naroon s’ya.
Umiinom ng kape habang
nag-iisip ng malalim.
Isang beses, naupos na ang bagay na ‘yon sa bibig n’ya. Nawala ang usok na
minsang pumigil sa paghinga ko. Namatay ang liwanag na parang laser.
“Ikuha mo naman ako ng sigarilyo oh.” –utos n’ya sa’kin.
Umiyak ako. Hindi ko alam kung bakit pero ang sinagot ng musmos kong pagkatao
noon ay: “Galit ako sa’yo! Hindi mo ko mabilhan ng manikang kumakanta!”
* * * * *
Anak: Ano nga ba ang katangiang kailangan para masabing mabuting ama ang
isang tao? Dapat ba may titulo sakanyang pangalan? Dapat ba magaling s’yang
magtago ng mga kabit n’ya? O dapat ba’ng mahusay s’yang magtago ng mga anak
n’ya sa labas para hindi s’ya mapintasan ng mga tsismosang kapit-bahay?
Paano ba maging perpektong ama sa mata ng mga anak? ‘Yong tipo ba’ng hawak
n’ya sa leeg ang mga bata? O baka naman ‘yong tipong “ibibigay ko sa’yo ang
lahat ng materyal na bagay pero hindi ang oras ko.”
Ano nga ba ang isang ama?
* * * * *
Nanginginig na ang katawan ko. Hinahanaphanap na nito ang isang bagay na
ilang oras ko na ring hindi natitikman- yosi. Kailangan ko ng yosi. Patayo na
ko nang hilahin ulit ako ni Roy paupo.
“Ate, sa’n ka pupunta?” –si Roy , kapatid ko.
“Yosi.’
“Mamaya na. Matatapos na ‘tong Talentado eh. D’yan ka lang.”
Napailing na lang ako at bumalik sa panonood ng Talentadong Pinoy- live. Ito
kasi ang napiling trip ng barkada naming magpipinsan dahil sa pinagdiriwang
naming okasyon ngayon- ang manood ng Talentado at makita si Ryan ng personal.
Nakakainip. Bawal ang yosi. Tawa ng tawa ang mga tao. Pero para saan ba ang mga
palakpak nila? Dahil ba humahang sila sa mga nagtatanghal? O dahil nagiging
katawatawa na ang mga ito magka-pera lang?
Nakakaawa ang mga nilalang na tumatawa lang ng tumatawa kahit hindi nila alam
kung bakit sila tumatawa, masabi lang na nakakalibang ang pinapanood nila,
tatawa na lang ng tatawa.
“At ngayon para sa huling Talentado…” si Ryan. “Rico Gonzales!”
Kilala ko ang pangalang ‘yon. Kilala ko ang mukhang nasa entablado, pumuti man
ang buhok n’ya at humumpak ang mga pisngi. Nanlamig ako. (Hindi dahil sa
aircon.) Namawis ang mga palad ko. (Hindi naman ako pasmado.) Bumilis ang tibok
ng puso ko. (Hindi rin naman dahil kay Ryan.)
“Uy ate, kapangalan ni Tatay.”
Gago ka, Roy . Kung hindi lang talaga kasalanan ang ibitin ng patiwarik sa puno
ng manggang binalot ng antik ang mga tangang katulad mo, matagal na siguro
akong isinumpa ni Nanay dahil sisiguraduhin kong yayariin kita.
Hindi mo ba nakikita na ang matandang lalaking ‘yan na naka-bihis baklang
nagpe-perform ng lip synch sa kantang nauso no’ng panahon pa ni kopong-kopong
ay walang iba kundi “s’ya” na umabandona sa atin?
Nakakatawa. Ginagawa n’yang katawatawa ang sarili n’ya sa harap ng maraming
tao. Para s’yang bano. Isa s’yang bano sa entablado! Ha-ha-ha!
* * * * *
Anak: Ano ba ang dapat kong maramdaman? Gusto ko s’yang pagtawanan. Pero
bakit may dumudurog sa puso ko habang pinapanood s’ya na kutyain ng mga tao?
Naaawa ako sakanya. Gusto kong itanong kung bakit s’ya nagkaganyan. Nagagalit
ako. Dahil ba sa baliw na nagtatanghal sa harapan ko? O dahil sa sarili kong
lumuluha na ngayon?
Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng isang mabuting ama.
* * * * *
Ama: Paano ba magpakaama? Wala akong titulong ikakabit sa puntod ko.
Nawala sa akin ang trabahong bumubuhay sa pamilya ko. Nagkanda-letse ang buhay
namin. Ginawa ko ang lahat para maka-bawi pero huli na ang lahat. Nawala na rin
sa akin ang asawa’t mga anak ko.
Ako ba ‘to? Nakakahilo. Nakakasuka. Nagtatanghal sa entablado na parang
isang bano. Pinagtatawanan ng mga tao. Isinuko ang sariling dangal para lang magka-pera.
Para saan? Para kanino?
Ang gusto ko lang naman ay ang maging isang mabuting ama.
* * * * *
Pagkatapos ng pagtatanghal “n’ya”, pinuntahan ko s’ya sa likod ng entablado.
Naroon s’ya. Masayang inaayos ang gamit n’ya sa bag. May iba na nga sa
kinikilos n’ya. Hindi na tulad noon. Hindi na normal ang pag-iisip n’ya.
Kinuha ko sa bulsa ko ang kaha ng yosi at tinaktak iyon pero wala na palang
laman. Napamura pa ko ng malakas, dahilan para mapansin “n’ya” ko.
Inabutan niya ako ng isang stick ng yosi na tinanggap ko naman at agad na
sinindihan.
“Alam mo ine, kahit kelan hindi ako iniwan ng yosi ko.”
Syempre. May paa ba ‘yan.
“Sa madilim na lugar na ‘yon, ‘yan lang ang kasama ko.”
Natigilan ako at bumalik sa’kin ang ala-ala ng madilim na silid na ‘yon. Ang
lugar kung saan s’ya madalas mamalagi kasama ang kanyang yosi.
“Sige, aalis na ko.” Bago umalis, inabot n’ya sa’kin ang bag n’ya. “Patawad.’
Ito ang paulit-ulit n’yang binibigkas habang palabas. Wala na talaga s’ya sa
katinuan.
Binuksan ko ang bag. Tumulo bigla ang luha ko na para ba’ng may kumurot sa
dibdib ko. Maya-maya lang. umiiyak na ko at kasabay na ng pagngawa ko ang
pagkanta ng manikang laman ng bag na ‘yon.
Tama. Ang manikang kumakanta. Ang manikang kumakanta na hindi n’ya nabili
sa’kin noon na s’ya namang naging basehan ko ng pagiging “masamang ama” n’ya sa
akin.
Kung mayroon man akong pinagsisisihan sa oras na ito, ‘yon ay nang hindi ako
ang naging yosi n’ya sa dalawampung taong lumipas…
* * * * *
Ama: Anak, pasensya na kung nahuli ako ng dalawampung taon ha.
Nagustuhan
mo ba ang regalo ko sa’yo? Pinag-ipunan ko ‘yan. Ah, bago ko makalimutan… Happy
Birthday!
Pusang Gala
Ni: ninjaboy
“Put*ng in* mo! ‘Wag ka ng babalik dito kahit kailan!”
Iyan ang “farewell message” sa akin ng aking “wicked step mother” pagtapak
ko palabas sa bahay nila bitbit ang malaki kong bag at s’yempre, hindi ko iiwan
ang mga pinakamamahal kong anime DVD at ilang manga.
Hindi ko na kaya pa’ng makisama sa tulad n’yang kampon ng kadiliman na kahit si
Lucifer ay mapapadasal kapag narinig nito ang matinis at nakakairitang bunganga
nito.
Bago ako tuluyang lumayo, nilingon ko muna ang aking ama na katanghaliang tapat
ay naglalasing sa aming bakuran. Tinignan ko s’ya- ‘yun tipo ng tingin na
kayang ipaako sa’yo maski ang existence ng mga ipis. Umiling lang si Papa at
halos mawindang na ang itsura nito.
Pagkatapos ay tumalikod na ako, hindi ko na rin napigilan ang pagguhit ng
matamis kong ngiti sa aking labi. Epektib ang drama ko. Bwahahaha. Paalam na
sa’yo, impyernong bahay.
Habang tinatahak ko ang daan ng aking kalayaan, bigla kong naalala ang araw na
dinala ako ni Papa sa bahay na iyon isang taon matapos mamatay ang Mama ko,
sampung taong gulang pa lang ako no’n. Kahit anim na taon na ang lumipas
ngayon, hindi ko pa rin matanggap ang bruhang ‘yon. Maingay s’ya. Pakielamera.
Maingay. Pakielamera. Nakakairita ang bawat araw na naririnig ko ang boses
n’ya.
Bigla akong napahinto sa paglalakad. May kalaban sa harap ko. Isang masamang
elemento sa katawan ng pusang gala. Ayoko sa mga pusa, at may tatlong dahilan
kung bakit hindi ko sila gusto.
Una, ilang beses na nitong ninanakaw ang ulam ko. Ikalawa, walang pakundangan
itong nanganak sa kama ko dahilan para mabahiran ng dugo ang paborito kong
bedsheet. At ikatlo, pinatay nito ang alaga kong fighting fish na anim na buwan
kong inalagaan.
Meron pang isa pero ‘wag na lang. masyadong emo ang dahilan eh.
Pinagbuhusan ko ng galit ang pobreng nilalang. Sinipa ko ito- malakas. Sapat na
para mapaiyak ko ito ng malakas. Hindi ito tumakbo, o mas tamang sabihing hindi
ito makatakbo. Hindi ko alam kung ang pagsipa ko dito ang dahilan pero
nanghihina ito.
Bigla na lang may tumulak sa’kin. Nang mamalayan ko, naka-upo na ko sa semento.
Tinulak pala ako ni Charlie, ang kapit-bahay naming autistic. 16 na rin sya
tulad ko pero dahil sa kakaiba n’yang karamdaman, hindi na siya pinag-aral ng
mga magulang n’ya. Hmmp. Crush ko s’ya kahit ganyan s’ya, may itsura din naman
kasi eh.
“Ano ka ba Charlie,” inis kong sigaw sakanya habang tumatayo ako. “Nanunulak ka
pa.”
“Pusa ko ‘to! Pusa ko ‘to!” umiiak n’yang tugon.
Dahil sa mga luhang ‘yon, pakiramdam ko pati ang pagkamatay ng mga dinosaurs
kasalanan ko. Oo, nakonsensya ako. Mahina talaga ang baga ko sa mga “special
child” na tulad ni Charlie.
Bumuntong-hininga ako. “Sorry na po.”
“Pusa ko ‘to! Pusa ko ‘to”
Ni sa hinagap ay hindi ko pinangarap magka-pusa! Iyo na ‘yan!
‘Yun sana ang gusto kong isigaw sa mukha n’ya pero baka naman madurog ko ang
puso ng bata, bata? Kaya naman ngumiti na lang ako.
“Charlie, gusto mo ng ice cream?”
Alam ko ang kahinaan ni Charlie, kaya naman madali ko s’yang napaamo nang
binilhan ko s’ya ng ice cream nang dumaan si manong sorbetes. Pareho kaming
naka-upo sa malaking ugat ng puno no’n, hindi malayo sa isa’t-isa.
Napakunot-noo ako nang makita ang ginagawa n’ya. Aba , ang magaling
pinapadilaan sa pusang yakap n’ya ang binili kong ice cream. Magre-react sana
ako pero nakita ko ang ngiti n’yang ‘yon- ‘yung ngiti na magagawa mong
magpasalamat na naimbento ang tissue paper. Para akong nakakita ng naka-ngiting
anghel nu’ng oras na iyon na hindi kayang makuha kahit pa ng pinakamahal na
kamera.
Nainggit ako sa pusa. Kung tignan kasi ito ni Charlie, parang ang pusang ito
ang natagpuan n’yang yaman sa malupit na mundong ito. Kahit kailan, wala pang
tumingin sa’kin ng gano’n. Kahit pa si Papa… o ang madrasta ko. Teka, bakit ko
naman naisip ang bruhang ‘yon? Para namang may pakielam kami sa isa’t-isa.
Umiiling, tumayo na ko. Gusto ko nang makalayo sa lugar na ‘to.
“Aalis ka na?” si Charlie.
“Oo. Ba-bye na.”
Himbis na sumagot, isang pam-pictorial na ngiti lang ang iginanti n’ya sa’kin.
Ewan ko ba pero parang lumiwanag s’ya nu’ng oras na ‘yon, o baka guni-guni ko
nga lang ‘yon.
Tumalikod na ko sakanya at muling tinahak ang landas na dapat kong harapin
ngayon. Pero hindi pa man din ako nakakalayo bigla kong narinig ang pagsigaw ni
Charlie ng kanyang litanya kasabay ng pagtili ng mga tao.
Agad-agad kong tumakbo pabalik… huli na ko. Sa harap ko ay ang naka-handusay at
duguang si Charlie. Ayon sa naka-saksi, sinagip daw niya ang pusa na masasagasaan
na ng humaharurot na kotse. Pero ang walang utang na loob na pusa, basta na
lang umalis at iniwan ang taong nagmahal at nag-aruga dito.
Walang utang na loob. Ito ang pinaka-mabigat na dahilan kung bakit ayoko sa mga
pusa. Para sa’kin, mahalin mo man sila, makakalimot at makakalimot parin sila.
Tulad ng mga pulitikong walang utang na loob sa mga kababayang nagluklok
sakanila sa pwesto.
Tulad ng mga artistang walang utang na loob sa mga fans na dahilan kung bakit
sila sumikat.
Tulad ng mga negosyanteng walang utang na loob sa mga mamimiling nagpapayaman
sakanila.
At… at ano’ng pinagkaiba nito sa isang anak na walang utang na loob sa mga
magulang na kumalinga at nagmalasakit sakanila? Wala akong pinagkaiba sa pusang
galang ito na matapos pakainin, bigyan ng lakas, at buhayin ay bigla na lang
tatalikuran ang taong pinagkakautangan n’ya ng loob.
Katulad ng isang batang umiiyak pagkatapos paluin ng kanyang ina, umuwi ako.
Umuwing may pagsisisi at humihingi ng pagpapatawad. Kumatok ako. Binuksan ng
“babaeng” ‘iyo ang pintuan.
Hindi ko napigilan. Sinubukan kong magsalita pero walang salitang lumabas sa
bibig ko, kundi ang patuloy lang na pagtulo ng mga luha ko ang nagwagi.
Hindi ko inasahan ang ginawa n’ya… niyakap n’ya ko. Mahigpit. Pagkatapos,
tinignan ako na para bang ako lang ang mahalaga sakanya…
“Patawad… patawad… Mama…”
Ilang araw ang lumipas, muli akong bumalik sa lugar kung saan kami huling
nagkita ni Charlie, at nasopresa ako dahil naroon ang pusang kanyang minahal ng
husto. Maging ang pusang gala pala ay marunong din kumilala... at bumalik.
Kinuha ko ito at niyakap.
“Simula ngayon, tatawagin na kitang Charlie.”
Stolen childhood
Essay
Chrissa Anne B. Palma
“I do
believe in fairies! I do believe in fairies!”
But unlike Peter Pan, I am a kid who believes in “him”- he who is not a
fairy but a little prince of mine, my best friend.
I
believed him when he said that he is the 14th Captain of Soul
Society.
I
believed him when he said that he has pikachu, balbausaur and charmander as his
pets.
I
believed him when he said that Barney is gay.
I
have my trust in him locked inside a small crystal ball that I carry inside my
pocket all the time. This pocket is what our Science teacher refers as “heart”.
Every
kid owns this kind of special crystal. It is found in the deepest portion of
their hearts that even the greatest “heart doctor” failed to discover. This is
the most sensitive part of every growing kid for once it is broken, you will
become an adult- a scary nightmare that is even more frightening than going to
a dentist to get rid of your aching tooth.
I’ve
met this prince that taught me almost everything about his world. In school, he
was one of the first persons to get close to me.
Once
upon a time, he taught me to read from right to left. He taught me to count numbers
by just using the fingers in my hands and the fingers in my feet, because of
that I could count from 1-20. He also taught me to use the pages of my notebook
to make paper airplanes.
One
day, our teacher got angry and called me “fool.” I don’t know why. But I still
trust my prince believing that he will never let me
fall.
But
then, he left me…
I feel so lost without him. So I’ve decided to come out from the world
that he created to look for him, my prince who knew me better than I do.
And
then, I trembled.
For the outside world is completely different from the world I used to
know. Here, kids of my age read from left to right. They can count more than
twenty numbers. And they don’t play with the pages of their notebook, instead
they write on it.
It
shocked me to find out that none of his words were true.
Doubt created a tiny crack in my precious crystal ball… and it is strong
enough to break my heart. I felt betrayed. Betrayed? It is more like my
“childhood” was stolen…
When
we were just a little kid, we were taught to build up trust by depending on
others. Kids deem whatever they want to believe in. But when the time comes
that that faith was destroyed, they will be hurt… and anxious to open their
hearts once again.
Then,
they will be wary the next time. And then they will be like the adults who do
not know how to trust others.
I was
betrayed. Yes, but by my own foolish self.
That
is because I’ve forgotten that I AM A KID.
Children have the widest perceptive than that of the grown-ups…
Children see what grown-ups overlook…
Children live in a world that grown-ups decided to desert…
I
believe that in every adult lies a sleeping child. That sleeping child is the
feeling forgotten as we grow up.
But
what’s amazing is that when we are in pain, we weep like a baby… we hide like a
little boy dodging his father’s punishment… and like a little girl; we lock
ourselves in our room…
It is
a proof that although we mature, we still go back in being a child once we are
wounded.
The
sad part is that, our “hearts” as a child vanish when we bump into this
“stranger” that we call “fear.” For we desire to shield ourselves from a
further torment…
They
say that I am childish.
Behind that maddening act hides a reason, I miss my stolen childhood.
Slowly, I am picking up the broken pieces of my treasured crystal ball. Because
I still believe and trust my little prince who betrayed me but at the same
time, taught me how to be a kid holding unto others’ hand.
He,
who was once my best friend… he who was there when I took my first step in
school... he who knew almost everything about me… he was the one who stole my
childhood, my first love, my young love.
But
he cannot change that one important thing- I was a kid. I am a kid. I will
always be a kid.
Phantom world
Essay
Chrissa Anne B. Palma
There are kids who grew-up playing piko, tried games dealing with balls
and enjoyed running.
There are kids who grew-up solving problems, answering riddles and winning
board games.
Very and energetic for their age, huh?
When I was a kid, my classmates called me “weird.” Reasons? I love anime so
much. I don’t believe in fairies but I do hope that phoenix and dragons really
exist. I am too amazed by the elements fire and ice up to the point that I
make-believe that I control them. I think that vampires and devils are cool
(especially in mangas). And I hate sports. Small basis that almost made me
think that I am not a human anymore.
But what about those little ones who just sit in the corner of the room, keep
their mouth shut and looked far away from the window- are they that different
from those children who are active?
Yes, because as they escape this world that they could not “fit” in, they fly
to this kind of unique world that only them are welcome- the world full of
phantoms.
Autism. What is autism?
“Autism is an abnormal absorption with the self, marked by communication
disorders and a short attention span and inability to treat others as people.”
–an explanation from the internet.
For children who this society calls as “autistics”, I strongly believe that
they are rather “unique.”
Their existence seems to be different when the rest seems to be just all the
same. They are too special for the mere humans to understand.
The world couldn’t be enough to feed their fancies; thus, they need a bigger
space to open their wings.
I want to believe that as these children keep silent in this world, they are
happily living somewhere that no words are needed to communicate with other
kids, that somewhere they have a home and that somewhere they are laughing
their hearts out.
I want to believe that autism is not a disease, and that it is only a fun
labyrinth that’s why these chosen children couldn’t find their way out.
I want to believe that somehow, people will find way to appreciate such
precious gifts, so that someday when people learned to open their eyes, these
children will come back to the real world.
Children are born with different kind of gifts. One characteristic of the
majority is not enough to say that those children who do not possess that
attribute are already inferior.
For now, I assume that in the phantom world, everyone is smiling…
No comments:
Post a Comment